^

Bansa

Erap di raw takot sa impeachment

-
Idiniin kahapon ni Pangulong Joseph Estrada na hindi siya natatakot sa proseso ng impeachment kaya handa siyang humarap sa Kongreso para sagutin ang mga paratang laban sa kanya ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson.

Sinabi ni Estrada sa palatuntunang "Jeep ni Erap: Ang Pasada ng Pangulo" na ganap ang tiwala niya na malilinis ang kanyang pangalan at malalampasan niya ang mga panawagan para sa kanyang pagbibitiw.

Nanawagan siya sa mga oposisyong pulitikal na bigyan ng pangunahing pansin ang pagiging makabayan kaysa sa pulitika at huwag isakripisyo ang ekonomiya para matugunan ang pagkauhaw nila sa kapangyarihan.

Pero, sa isang pulong sa Cebu City ng mga puwersa laban kay Estrada kahapon, iginiit muli ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo na mahalagang magbitiw agad sa puwesto ang Pangulo para maiwasan ang lalo pang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa at maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng mamamayan sa pamahalaan.

Sa naturang pulong, inindorso ng mga grupong Reporma ni dating Defense Secretary Renato de Villa at Promdi ni dating Cebu Governor Lito Osmeña si Arroyo bilang lider ng oposisyon laban kay Estrada.

Binanggit ni Arroyo ang akusasyong tumanggap ng suhol mula sa jueteng si Estrada kasabay ng babala na lalong mapipinsala ang ekonomiya sa kawalan ng kumpiyansa ng mamamayan kapag hindi pinalitan ang Pangulo.

"Mabilis na lumulubog ang ating ekonomiya na bugbog-sarado sa tumataas na presyo ng pangunahing bilihin. Kinakabahan kami na baka bumagsak sa kamay ng mga extremista ang bansa sa pagbagsak ng ekonomiya at ng kawalan ng tiwala," sabi ni Arroyo sa harap ng 500 lider-pulitikal na dumalo sa pulong.

Sa patuloy na pagbaba ng halaga ng piso na umabot na sa palitang P51.08-$1, sinasabi ng mga negosyante na hindi na sila makaangkat ng mga materyales sa produksyon kaya hindi maiiwasan ang pagbabawas ng manggagawa o pagsasara ng kanilang mga pabrika.

Pero sinabi ni Estrada na kailangang pahintulutan ng oposisyon na makapangyari ang prosesong konstitusyonal sa halip na maghayag ng mga ispekulasyon na nakakasama sa kabuhayan. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

vuukle comment

ANG PASADA

CEBU CITY

CEBU GOVERNOR LITO OSME

DEFENSE SECRETARY RENATO

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

LILIA A

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with