^

Bansa

3 bihag na Malaysian nasagip ng militar

-
Nailigtas ng militar ang tatlong Malaysian na bihag ng Abu Sayyaf matapos makaenkuwentro ng mga sundalo ng pamahalaan ang mga bandido sa isang latian ng mga bakawan sa Sulu kahapon.

Sa pagkakaligtas sa mga Malaysian, natitira na lamang bihag ng Abu Sayyaf ang Pilipinong dive instructor na si Roland Ullah na kabilang sa kinidnap sa Sipadan, Malaysia at ang Amerikanong si Jeffrey Edwards Craig Schilling.

Sinabi ni Malaysian Ambassador Manzoor Hussein Arshad na sinabihan na siya ng militar hinggil sa pagkakasagip sa tatlo niyang kababayan.

Nabatid na nakaenkuwentro ng mga tauhan ng Task Force Alpha ng Philippine Army na pinamumunuan ni Col. Romeo Tolentino bandang alas-9:30 ng umaga ang Abu Sayyaf sa Mount Mahala sa Talipao, Jolo, Sulu hanggang sa mailigtas ang mga Malaysian na sina Mojammad Noor, Joseph Jongkinoh at Ken Wee Chung.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes sa kanyang ulat kay Pangulong Joseph Estrada na walang nasaktan sa mga bihag.

Sinabi ng Pangulo na ipinakikita lang sa pagkakasagip sa mga Malaysian na tama ang kanyang desisyon na sagupain ang Abu Sayyaf. May 17 bihag ang nasagip nang simulan ng militar noong Setyembre ang opensiba laban sa mga bandido. (Ulat nina Rudy Andal at Lilia Tolentino)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANGELO REYES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHIEF OF STAFF GEN

JEFFREY EDWARDS CRAIG SCHILLING

JOSEPH JONGKINOH

KEN WEE CHUNG

LILIA TOLENTINO

MALAYSIAN AMBASSADOR MANZOOR HUSSEIN ARSHAD

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with