Probe body vs mister ni Sen. Miriam Santiago binuo
October 24, 2000 | 12:00am
Binuo kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Alfredo Lim ang isang fact-finding committee na magsisiyasat sa akusasyon ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na sangkot umano ang asawa ni Senador Miriam Defensor-Santiago na si DILG Undersecretary Narciso Santiago Jr. sa operasyon ng jueteng sa Tarlac.
Sinabi ni Lim na dapat maging parehas lamang ang DILG sa imbestigasyon kahit sangkot ang isa niyang kasamahang opisyal.
Walang ibinigay na taning si Lim kung hanggang kailan dapat tapusin ang imbestigasyon na pamumunuan ni DILG Acting Undersecretary for Administration Anselmo Avenido Jr. Naunang pinabulaanan ni Santiago ang akusasyon ni Singson kasabay ng pagsasabing idinadawit lang siya nito dahil hindi ito kinampihan ng kanyang asawa sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa sinasabi ng gobernador na pagtanggap ng Pangulo ng jueteng payola. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest