Loi nabiktima ng masamang text joke

Pinaiimbestigahan ng Malacañang kay Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson ang mga kumalat na balita sa pamamagitan ng text messages na inatake sa puso at namatay na umano si Unang Ginang Dr. Luisa "Loi" Ejercito.

Sinabi ni Press Secretary Ricardo Puno na below the belt at hindi makatwiran ang pagkakalat ng naturang mensahe.

Dapat anyang managot ang may kagagawan nito. Sa kanyang programang Hotline ng Masa sa radio station RMN, nagpahayag ng pagkagulat sa kumalat na balita ang Unang Ginang. Pinabulaanan niya na inatake siya sa puso. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments