Ipinalabas ng Pangulo ang isang memorandum kay Reyes at, dito, nakasaad na ipinasasara na niya ang lahat ng pasilidad at outlet ng PAGCOR sa jai-alai, on-line bingo at internet casino.
Ginawa ng Pangulo ang hakbang kasunod ng mga kontrobersyang nilikha ng pagbubunyag ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa umano’y pagtanggap niya ng jueteng payola.
Binigyan ng Pangulo ng awtorisasyon si Reyes na humingi ng suporta sa Philippine National Police at lahat ng kinauukulang lokal na pamahalaan para maipatupad ang kanyang kautusan.
Sinabi ng Pangulo na inaasahan niyang maipapatupad agad ang kanyang direktiba at kailangang magsumite si Reyes ng report kay Executive Secretary Ronaldo Zamora sa loob ng 48 oras.Naunang inihayag ng Pangulo na hindi na makikialam ang pamahalaan sa anumang uri ng sugal at ibebenta ang PAGCOR. (Ulat ni Lilia Tolentino)