^

Bansa

PAGCOR isara na! - Erap

-
Tuluyan nang ipinasara ni Pangulong Joseph Estrada ang Philippine Amusement and Gaming Corporation nang atasan niya kahapon si PAGCOR Chairman Alice Reyes na ihinto na ang on-line bingo, jai-alai, casino at internet casino gambling na pinatatakbo ng naturang ahensya.

Ipinalabas ng Pangulo ang isang memorandum kay Reyes at, dito, nakasaad na ipinasasara na niya ang lahat ng pasilidad at outlet ng PAGCOR sa jai-alai, on-line bingo at internet casino.

Ginawa ng Pangulo ang hakbang kasunod ng mga kontrobersyang nilikha ng pagbubunyag ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa umano’y pagtanggap niya ng jueteng payola.

Binigyan ng Pangulo ng awtorisasyon si Reyes na humingi ng suporta sa Philippine National Police at lahat ng kinauukulang lokal na pamahalaan para maipatupad ang kanyang kautusan.

Sinabi ng Pangulo na inaasahan niyang maipapatupad agad ang kanyang direktiba at kailangang magsumite si Reyes ng report kay Executive Secretary Ronaldo Zamora sa loob ng 48 oras.Naunang inihayag ng Pangulo na hindi na makikialam ang pamahalaan sa anumang uri ng sugal at ibebenta ang PAGCOR. (Ulat ni Lilia Tolentino)

CHAIRMAN ALICE REYES

EXECUTIVE SECRETARY RONALDO ZAMORA

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with