^

Bansa

Erap inakusahan ng pananakot ng RAM

-
Gawa-gawa lamang umano ni Pangulong Joseph "Erap" Estrada ang pagpapalutang hinggil sa "Indonesian war scenario" na maaaring mangyari sa bansa tulad ng malawakang pambobomba at panununog bilang bahagi ng pagsabotahe sa administrasyon.

Ito ang naging reaksyon kahapon ni Col. Proceso Maligalig, spokesman ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa hinggil sa ibinunyag na Indonesian war scenario ni Pangulong Estrada.

"Masyado namang nakakatakot. Sino ang mambobomba? Bakit ganyan ang iniisip ng Malacañang? Inililihis nila ang tunay na isyu," pahayag ni Maligalig sa isang phone interview.

Ayon kay Maligalig, ang tunay na usapin ay ang kinakaharap na krisis ng bansa kabilang na ang ginawang pagbubunyag ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson hinggil sa "jueteng scandal".

Nagpahayag naman ng pagtatakda ang mga opisyal ng Department of National Defense hinggil sa naturang "terrorist plot".

Ang problema ng bansa ay isang pulitikal na hidwaan lamang," anang isang opisyal ng Department of National Defense na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Inakusahan naman ni Maligalig si Pangulong Estrada na siyang may kasalanan upang mag-panic ang publiko.

Sinabi ni Maligalig na ang nasabing pagbubulgar ng administrasyon ay maaaring maging daan upang magkaroon ng mga espekulasyon na gagamit ng puwersa ang pamahalaan laban sa mga oposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

JOY CANTOS

MALIGALIG

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG JOSEPH

PROCESO MALIGALIG

REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with