DILG umatras sa kaso ni Gov. Singson
October 18, 2000 | 12:00am
Umatras ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson matapos ibunyag nito ang jueteng scandal na nagsasangkot kay Pangulong Estrada.
Ayon kay DILG undersecretary Narciso Santiago Jr., hindi na hahawakan ng DILG ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng administrative aspect laban kay Gov. Singson dahil nauna na umanong magsasagawa ng imbestigasyon ang tanggapan ng Ombudsman.
Itinanggi naman ni Santiago ang akusasyon ni Singson na tumatanggap siya ng pera mula sa jueteng.
Magugunita na pinaratangan ng DILG undersecretary si Gov. Singson na isang desperado matapos magsangkot ito ng kung sinu-sinong tao sa jueteng scandal na kanyang ibinunyag. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
23 hours ago
Recommended