^

Bansa

Hold Departure Order ipinalabas laban sa 9 jueteng operators

-
Nagpalabas kahapon ang Department of Justice (DOJ) ng Hold Departure Order (HDO) laban sa mga jueteng operators na nagbibigay umano ng jueteng collections sa ibang opisyal ng pamahalaan na sangkot sa usapin ng "jueteng payola".

Isinailalim sa HDO ang mga jueteng operators na sina Jose "Bonito" Singson, Romy Lahara, Charito "Charing" Magbuhos, dating alkalde na si Jesus Viceo, Romy Pamatpat, Alma Alfaro, Delia Rajas, Eleuterio Tan at ang Presidential Asst. na si Anton Prieto.

Magugunita na noong Oktubre 9, 2000 ay ibinunyag ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson ang pangalan ng mga jueteng operators na nagbibigay ng salapi sa mga opisyal ng pamahalaan kasama na si Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ng DOJ na hindi dapat palabasin ng bansa ang mga nabanggit na jueteng operators dahil tiyak na isasailalim ang mga ito sa paglilitis upang maresolbahan ang usapin sa gambling, partikular na ang jueteng na kinasasangkutan ng matataas na opisyal ng pamahalaan. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ALMA ALFARO

ANTON PRIETO

DELIA RAJAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELEUTERIO TAN

GRACE AMARGO

HOLD DEPARTURE ORDER

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

JESUS VICEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with