Natural gas gagamitin

Pinaghahanda na ng Malacañang ang mga may-ari ng mga sasakyan sa paggamit ng natural gas sa sandaling simulan na ng Malampaya project ang komersyal nitong operasyon sa taong 2002.

Sinabi kahapon ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na dapat simulan ng sektor ng transportasyon ang paggamit sa mga taxi, bus at jeep ng natural gas na mas mura kaysa sa langis.

Dapat anyang isaayos na ang naturang mga sasakyan sa paggamit ng lokal na langis kapag sinimulan na ang produksyon sa Malampaya. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

Show comments