Nabatid kay House Majority Floor leader Eduardo Gullas, ang mga inaprubahang mga panukala partikular na ang TRO sa mga proyekto ng gobyerno ay ang Fortification of Processed Foods, Early Child Care Development at ang pagbibigay ng legal assistance sa personnel ng AFP na may kasong kaugnay sa human rights violation.
Niliwanag pa ni Gullas na sa pamamagitan ng TRO bill, mapapadali ang pasilidad at implementation ng mga government infrastructure projects na kasalukuyang nakabinbin dahil sa TRO ng mababang korte. (Ulat ni Malou Rongalerios)