10 death convicts natodas sa loob ng bilangguan
October 15, 2000 | 12:00am
Dahil sa hindi makayanang psychological stress, may 10 death convicts ang nasawi sa magkakahiwalay na petsa sa loob ng bilangguan habang hinihintay ang magiging resulta ng isinasagawang automatic review ng Supreme Court sa kanilang mga kaso.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Congressman Roan Libarios (Lamp, Agusan del Norte), isa sa mga mambabatas na tutol sa parusang kamatayan. Siya ang nagpanukala na baguhin ang death penalty law at gawin na lamang na habambuhay na pagkabilanggo na may minimum na mandatory term na 40 taon ang pinakamabigat na parusa.
Ayon kay Libarios, labis ang nararanasang psychological stress ng mga bilanggong nasa death row kung kayat ang iba sa mga itoy mas ginusto pa ang mamatay na lang kaagad.
Kinilala ng Bureau of Corrections ang sampung death convicts na sina Eduardo Mutuc,47, ng Quezon City; Leodegario Quiñonez,55,ng Malolos, Bulacan; Carlito Suba, 57, ng Angeles City; Serlito Garcia,31, ng Surigao City; Ruben Herradura, 72, ng Iloilo City; Allen David, 25, ng Angeles City; Luis Domingo, 64, ng Sta. Cruz, Laguna; Jose Roquero,52, ng Puerto Princesa City; Elisco Alvero, 43, ng Abuyog, Leyte at Alfredo Joya, 58, ng Malabon, Metro Manila.
Si Mutuc ay namatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng bilangguan samantalang sina Quiñonez, Garcia, Herradura, Domingo at Joya ay namatay naman dahil sa cardio respiratory arrest.
Sina Roquero at Suba ay namatay sanhi ng hypertension at myocardial infection.
Samantala, hindi matiyak kung ano ang ikinasawi nina Alvero at David. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended