Kabilang sa grupo ni Abu Sayyaf leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot ang mga sumukong bandido na nagsalong ng matataas na kalibreng baril tulad ng M-203. Sinabi ni Estino na isang simpleng turnover ceremony ang isasagawa sa Camp Teodulfo Bautista ng Philippine Army sa naturang lalawigan para sa pagsuko ng mga bandido. "Marahil tiwala ang mga Abu Sayyaf sa pamilyang Estino dahil sa sinseridad na ipinakita namin sa kanila kaya sila sumuko," sabi pa ng alkalde.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 164 ang mga bandidong nasawi sa atake ng militar na nagsimula noong nakaraang buwan para sagipin ang mga natitirang bihag ng Abu Sayyaf. (Ulat ni Rose Tamayo)