^

Bansa

200 Sayyaf sumuko kay Sulu Mayor Estino

-
ZAMBOANGA CITY- Napagod na rin sa katatakbo sa pagtakas ang ilang bandidong Abu Sayyaf at wala na silang masulingan dahil sa patuloy na opensiba ng militar laban sa kanila kaya 200 sa kanila ang sumuko kay Panglima Hadji, Sulu Mayor Hadji Abbas Estino kahapon.

Kabilang sa grupo ni Abu Sayyaf leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot ang mga sumukong bandido na nagsalong ng matataas na kalibreng baril tulad ng M-203. Sinabi ni Estino na isang simpleng turnover ceremony ang isasagawa sa Camp Teodulfo Bautista ng Philippine Army sa naturang lalawigan para sa pagsuko ng mga bandido. "Marahil tiwala ang mga Abu Sayyaf sa pamilyang Estino dahil sa sinseridad na ipinakita namin sa kanila kaya sila sumuko," sabi pa ng alkalde.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 164 ang mga bandidong nasawi sa atake ng militar na nagsimula noong nakaraang buwan para sagipin ang mga natitirang bihag ng Abu Sayyaf. (Ulat ni Rose Tamayo)

ABU SAYYAF

CAMP TEODULFO BAUTISTA

ESTINO

GHALIB ANDANG

KABILANG

KUMANDER ROBOT

PANGLIMA HADJI

PHILIPPINE ARMY

ROSE TAMAYO

SULU MAYOR HADJI ABBAS ESTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with