^

Bansa

Defensor, ika-26 PAF chief

-
Pormal na isinalin kahapon ni Lt. Gen. Willie Florendo ang kapangyarihan kay Major Gen. Benjamin Defensor Jr., nakababatang kapatid ni Senadora Miriam Defensor Santiago upang pamunuan ang Phil. Air Force (PAF).

Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Grandstand ng Villamor Air Base sa Pasay City, malugod na tinanggap ni Pangulong Joseph ‘‘Erap’’ Estrada na siyang nanguna sa turn-over ceremony si Defensor bilang bagong pinuno ng hukbong panghimpapawid.

Si Defensor ang napiling humalili kay Florendo matapos itong magretiro kahapon sa gulang na 56 sa mahabang panahong pagseserbisyo sa militar.

Napag-alaman na si Defensor ang ika-26 na naging pinuno ng PAF at dating namuno sa Tactical Operations Command na nakabase sa Mactan-Cebu.

Umiwas naman ang Pangulo sa mga mamamahayag matapos ang magarbong turn-over ceremony.

Ito ang kauna-unahang public appearance ni Estrada matapos ang kontrobersyal na isyu hinggil sa jueteng scandal na ibinulgar ni Ilocos Sur Gov. Luis ‘‘Chavit’’ Singson. (Ulat nina Joy Cantos, Butch Quejada)

AIR FORCE

BENJAMIN DEFENSOR JR.

BUTCH QUEJADA

ILOCOS SUR GOV

JOY CANTOS

MAJOR GEN

PANGULONG JOSEPH

PASAY CITY

SENADORA MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

SI DEFENSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with