Mababang sahod okey sa OFW
October 9, 2000 | 12:00am
Payag na ngayon ang mga overseas Filipino worker na tumanggap ng mas mababang suweldo para lang manatili sila sa kanilang trabaho sa ibang bansa.
Sa isang ulat na ipinarating sa Department of Labor and Employment sinabi ng isang opisyal ng embahada ng Pilipinas na si Rolando Gregorio na maraming OFW at ibang dayuhang manggagawa sa Bahrain ang tumatanggap na ng sahod na mas mababa kaysa sa umiiral na rate.
Marami anyang lokal na manggagawa sa naturang bansa ang hindi makakuha ng trabaho dahil sa dami ng dayuhang manggagawang tumatanggap ng napakababang sahod. (Ulat ni Mayen Jaymalin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest