Moratorium sa Bingo 2-Ball hingi ng solon
October 8, 2000 | 12:00am
Hiniling kahapon ng oposisyunistang si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. sa Malacañang na magpataw muna ng moratorium o suspendihin ang operasyon ng Bingo 2-Ball hanggat hindi nalilinawan ang ligalidad ng naturang sugal at ng kontrata ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sa presidential friend na si Atong Ang.
Sinabi ni Andaya na dapat magkabisa agad ang moratorium at ihinto ang pagpapalabas ng prangkisa sa Bingo 2- ball na ayon sa mga oposisyon ay hango mula sa jueteng, isang sugal na ipinagbabawal ng Presidential Decree 1602.
Kinondena rin ng mga mambabatas ang komisyong ibinibigay ng Pagcor kay Ang bilang consultant nito sa bagong sugal dahil lumalagpas ito sa 10 percent limit ng gross proceed na itinatadhana ng Charter ng Pagcor.
Sa General Santos City, nanawagan si Senador Juan Flavier sa kagyat na pagbibitiw sa puwesto nina Ang at Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa operasyon ng jueteng.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended