P15-P30 umento sa obrero sa Metro Manila ihahayag
October 5, 2000 | 12:00am
Inaasahang ihahayag na bukas ng regional wage board ang dagdag na P15 hanggang P30 sa kasalukuyang P223.50 minimum sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
"Base sa report na aming tinanggap, takdang ipagkaloob ng wage board ang dagdag sa sahod na mula P15 hanggang P30," sabi kahapon ng tagapagsalita ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino na si Wilson Fortaleza.
Gayunman, hindi dismayado ang ilang labor group sa kakarampot na umento dahil umaasa sila sa pangako ni House of Representatives Speaker Manuel Villar na pagtitibayin ng Kongreso ang isang panukalang-batas na magkakaloob ng dagdag sa sahod ng mga manggagawa kapag hindi sapat ang ipinagkaloob ng wage board.
Nagbabala naman si Fortaleza kay Villar na aanihin nito ang galit ng mga manggagawa kapag hindi natupad ang pangako nito.
Sinabi ni Fortaleza na may dahilan nang gawin ng Kongreso ang naturang batas dahil hindi sapat para makatugon sa mga presyo ng bilihin ngayon ang umento na mas mababa sa P75.50.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am