Comelec ruling tinutulan
October 4, 2000 | 12:00am
Tinutulan kahapon ng ilang mambabatas ang desisyon ng Commission on Elections na itakda sa Disyembre 15, 2000 ang pagsasampa ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2001.
Sinabi ni Speaker Manuel Villar na magiging masyadong mahaba ang election period at magastos ito para sa mga kandidato bukod sa anim na buwang mababakante ang puwesto ng mga mambabatas na muling kakandidato na dahilan para mawalan ng saysay ang nalalabing mga araw ng 11th Congress.
Ganito rin ang posisyon nina Reps. Roilo Golez (Parañaque) at Joker Arroyo (Makati). (Ulat ni Marilou B. Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended