^

True Confessions

Hiyasmin (175)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nag-iisip na si Hiyasmin­ kung bakit hindi pa dumarating si Dax. Alas dose na ng hatinggabi. Baka uma­tras na naman si Dax? Baka sinalakay na naman ng pag­kadungo?

Pinakalma ni Hiyasmin­ ang sarili. Hindi siya dapat mag-isip ng kung anu-ano. Kung minsan ang pag-iisip ng negatibo ay kadalasang iyon ang nangyayari.

Nangako sa kanya si Dax na pupunta ngayon at sasabihin ang mga hindi na­­sabi nang nakaraang gabi.

Binantaan pa niya si Dax na hindi kakausapin kapag hindi tinupad ang pangako.

At sa tangin ni Hiyasmin ay natakot si Dax sa banta niya.

Pero sa loob-loob ni Hiyasmin, banta lang niya iyon at hindi siya ser­yoso na hindi nga ito kaka­usapin. Maari ba naman niyang hindi kausapin ang lalaking malaki ang nagawa sa kanyang buhay?

Hindi niya iyon ma­ga­gawa sa tanging lalaki na minahal niya.

Sumapit ang 12:30 ng hatinggabi. Wala pa si Dax.

Tumayo siya at sinipat ang sarili sa salamin ng tokador.

Magugulat kaya si Dax kapag nakita siya?

Eksaktong 12:35 may na­rinig siyang katok. Tatlong sunud-sunod na katok.

Si Dax na marahil.

Tinungo ni Hiyasmin ang pinto. Binuksan.

Si Dax nga!

Pumasok si Dax.

“Ba’t ngayon ka lang?” tanong ni Hiyasmin.

“Si Nanay kasi gising­ pa. Nasa salas! Baka makita ako!”

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with