^

True Confessions

Hiyasmin (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Okey lang sa’yo Sir Dax na sunduin ako? Baka ma­pa­god ka? Ga­ling ka pa sa opis? Tapos baka hindi ka pa kumakain?’’ sabing­ nag-aalala ni Hiyasmin.

“Hindi ako mapapagod. Okey lang na sunduin kita.”

“Ikaw kasi ang inaalala ko.’’

“Huwag kang mag-alala sa akin. Ako nga ang nag-aalala sa’yo kapag ginagabi ka.’’

“Kasi nga kaya ako nag-aalala e dahil hindi ka pa na­kakapaghapunan dahil sa paghihintay sa akin.”

“Hindi naman ako nagugutom. At saka kakain din naman tayo paglabas mo sa school. Puwede tayong maghapunan uli sa restaurant na kinainan natin. Masarap ang fried chicken nila di ba? Dun uli tayo kumain.’’

“Sige po Sir Dax. Salamat po sa pag-aalala sa akin.’’

“Nag-aalala kasi ako dahil maraming addict ngayon. Baka pagsakay mo sa dyipni ay may makasakay kang hol­daper o kaya ay mandurukot. Kung susunduin kita, maari tayong magtaksi.’’

“Oo nga po. Kapag sumasakay nga po ako ng dyip e may mga lalaking tingin nang tingin sa akin—para akong hinuhubaran.”

“Mga addict yun! Laganap kasi ang droga ngayon. Kahit saan yata ay may mga addict.’’

“Gaya po nung isang gabi. Dalawang lalaki ang ti­ngin nang tingin sa akin tapos ay nagbubulungan. Palagay ko mga holdaper yun.”

“Anong ginawa mo?”

“Bababa sana ako at lilipat ng dyip. Mabuti na lang at may sumakay na lalaki na parang pulis ang itsura. Nakasibilyan at may nakaumbok na baril sa tagiliran. Biglang nagbabaan ang dalawang lalaki na tingin nang tingin sa akin. Natakot si­guro sa lalaking mukhang pulis.”

“Mga holdaper yun.’’

“Kinabahan ako.’’

“Kaya nga kapag gagabihin ka, sabihin mo sa akin at susunduin kita.’’

“Opo Sir Dax.” (Itutuloy)

DAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with