May bulung-bulungan na posibleng may kinalaman si Carmina Villarroel sa napababalitang hiwalayan diumano ng anak na si Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Maraming netizens ang nakapansin sa mga kakaibang mensahe nina Carmina at Kyline sa kanya-kanyang Instagram account.
Noong Jan. 6 ay nagdiwang ng kanilang 23 kaarawan sina Mavy at Cassy Legaspi. Nagbigay ng mensahe si Carmina para binatang anak sa Sarap Di Ba? “I’m trying to be careful kasi baka lagyan ng (ibang meaning) ang mga sasabihin ko. I don’t want to overthink. Tatay and I are just happy that you’re back. I’ve been quiet for the past how many years. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang nangingialam ako. But I don’t care because I am your mother. Kung nakialam ako, hindi mangyayari ito. So, it only means na hindi ako nakialam. So that’s why I’m thankful because you’re back,” makahuluhang pahayag ni Carmina.
Aminado ang TV host-actress na talagang nasasaktan sila ng asawang si Zoren Legaspi sa tuwing may kontrobersiya tungkol sa kanilang kambal na anak. Ayon kay Carmina ay boto siya sa kung sino man ang magugustuhan nina Cassy at Mavy. “Kapag ako ‘yung tinitira, si Mavy ‘yung nasasaktan. ‘Pag si Mavy o Cassy ‘yung tinitira, kaming dalawa ni Zoren ‘yung nasasaktan pero tahimik lang kami. Kasi hindi naman kami palaaway. Gusto namin ng peace and love sa lahat. Boto ako sa kahit na sino nanliligaw at liligawan ng anak ko. And in the future, kung sino man ‘yung makakarelasyon nila, ‘yon lang ‘yung magiging boto ako. ‘Pag nakita ko na respectful ‘yung tao na ‘yon, genuine, very sincere, hindi ako naghahanap ng perpekto, pero ‘yung may respeto sa lahat ng tao,” pagtatapat niya.
Mayroong ilang nagsasabi na ang pagiging ‘mama’s boy’ umano ni Mavy ang isa sa mga dahilan kaya posibleng hindi magtagal ang pakikipagrelasyon ng anak ni Carmina. “Siguro nagkakaroon lamang ng hindi magandang dating. May ibang mama’s boy na of age na, nasa marrying age na pero mas pinapakinggan pa rin ‘yung nanay over the wives. That’s why nagkakaroon ng ano (ibang dating),” giit ng TV host-actress.
Angeline, ‘di umabot sa traslacion
Kilalang deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno si Angeline Quinto. Matagal nang panata ng singer ang pagsama sa traslacion na ginaganap tuwing Jan. 9 sa Quiapo. “First time na hindi ako nakasampa sa Mahal na Poong Nazareno. Medyo malungkot ako kasi maaga nakabalik ng church ang Poong Nazareno. Kadalasan before nakakasampa kami ng 12 midnight or 1 a.m. Kaya ayun after work, diretso kami ng church para maka-attend ng misa,” kwento ni Angeline sa ABS-CBN News.
Nakasama sa Quiapo ng singer ang kasintahang si Nonrev Daquina na isa ring deboto ng Black Nazarene. Magdadalawang taong gulang na ngayon ang anak ng magkasintahan na si Sylvio. Ang tanging hiling daw ni Angeline ay maging maayos ang kalagayan ng kanyang pamilya at magpatuloy pa sa mga ginagawang trabaho. “’Yung araw-araw na good health para sa amin, kay Bulilit. Sa trabaho ko naman sana patuloy lang na marami pa rin akong mabigyan ng inspirasyon at kasiyahan through my music,” paglalahad ng singer. Reports from JCC