Talagang natutuwa ako kay Andrea Brillantes. ‘Yung mga ginagawa niya na shocking para sa iba, I find it cute.
Very upfront siya, basta gusto niyang gawin, ginagawa niya.
Hindi siya tulad ng ibang artista na takot na baka mapintasan. Kung ano ang consequence ng ginawa niya, hinaharap niya. Hindi siya duwag na itinatago ang ginagawa. Para sa kanya kung anuman gawin niya, paninindigan niya.
Very natural ang tapang niya sa issues. Kaya naman na-overshadow niya ang stars na prim and proper na kung minsan lumalabas tuloy na plastic.
Being honest to yourself, iyan ang mantra ni Andrea. Kaya bongga siya.
Ituloy mo lang iyan, Andrea, basta wala kang ginagawang masama, go for it. Bongga.
‘Hintayin ko na lang at tanggapin...’
Second day pa lang ng taon heto at nagpunta na naman ako sa dialysis treatment ko kahapon.
‘Kaloka talaga at talagang sinasawaan na ako pero wala akong magawa kasi nga kailangan.
Pero hanga pa rin ako sa mga kasabay ko na ang tagal na ng dialysis treatment, talagang matiyaga pa rin sila.
Kung minsan nga naiinis akong marinig na ‘yung iba eight o nine years na sa dialysis.
Naku ha, ewan ko kung ako matiis ang ganu’n katagal.
Pero in fairness hindi naman tulad ng dati na talagang nagrerebelde ako sa treatment ko, ngayon que sera sera na lang. Hintayin ko na lang at tanggapin whatever.
Naku twice a week, apat na oras per session, iyan ang dusa ko sa buhay.
Happy new year na lang sa lahat.