^

Banat Showbiz

Bukol sa boobs ni Melai, nadala sa dasal!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bukol sa boobs ni Melai, nadala sa dasal!
Melai Cantiveros

May nakapa palang bukol sa boobs ni Melai Cantiveros na sobrang kinatakot niya.

Ito ang inamin niya kahapon sa Magandang Buhay.

Aniya, ngayon lang siya magsasalita tungkol dito.

“Nagkaroon ako ng bukol sa may boobs kasi. Ngayon ko lang ito sasabihin at hindi rin ito alam ng family ko,” kumpisal ni momshie Melai sa kanilang programa nina momshies Jolina Magdangal and Regine Velasquez.

Kaya nung nagbakasyon daw siya Cebu at Bohol, talagang pinuntahan niya ang mga simbahan doon para ipagdasal ang nakapang bukol na ‘yun sa boobs niya.

At pakiramdam niya ay dininig ng Diyos ang kanyang mga pana­langin.

“Nawala talaga na hindi pa ako nagpa-check up. Iba ‘yung bukol kasi matigas eh. Ito talaga, sabi ko ‘my God Lord.’ Ipinag-pray ko talaga.

“Dapat magpapa-check up na ako after ng cycle na ito ng taping. Bago ako magpa-check up, sabi ko, ‘Lord, ikaw na ang bahala. Hindi na ako mag-iisip.’ Kasi pumapasok na kung ano anong negative sa isip ko,” dagdag niyang kumpisal.

At doon lang daw siya nakahinga nang maluwag.

Ngayon daw ay hindi na siya mag-iisip ng mga mga negative dahil alam ni Lord ang lahat.

vuukle comment

ACTRESS

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with