JoWaPao tumanggi sa offer ng TAPE... TVJ sa Dabarkads na mapapanood, Eat Bulaga sa GMA hanggang 2024

JoWaPao

End of an era.

Ito ang naganap kahapon matapos magpaalam sa Facebook account ng Eat Bulaga sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon na kilala sa tawag na TVJ.

Hinarang nga raw silang mag-live show kaya sa social media sila nagpaalam habang parang normal ang mga pangyayari sa GMA 7 dahil replay episode ang isinalang.

Marami talagang naiyak at malungkot na malungkot sa naganap na pamamaalam ng TVJ sa programa.

Diumano, hindi naman sila mawawala sa ere. Dahil mapapanood sila sa ibang network, sa TV5, na nanahimik pa at walang nilalabas na statement. Pero magpapahinga raw muna ang TVJ ng two weeks.

Kausap din diumano ng grupo si Mayor Albie Benitez ng Brightlight Productions.

Dabarkads na raw ang magiging title nito kung sakali at hindi na Eat Bulaga.

Samantala, agad namang naglabas ng official statement ang GMA 7 kahapon.

“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.

“Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”

Kaya’t malinaw sa hanggang 2024 pa sa network ang Eat Bulaga.

Wala pang lumulutang kung sino ang magiging hosts o papalit sa TVJ kung magla-live na ulit ito.

Dahil as of this writing, diumano’y replay muna ang mapapanood na episodes ng programa.

May narinig akong may offer daw ang TAPE Inc. kina Wally Bayola and Jose Manalo pero habang nagdi-deadline kami ay wala pang official statement.

Naging bahagi ng bawat Pilipino ang Eat Bulaga dahil sa tagal nitong napanood sa TV.

At ‘pag sinabi mong Eat Bulaga, TVJ ‘yun.

Pero walang forever sa kanila. Wala na sila sa Eat Bulaga pagkatapos ng 44 years.

Show comments