^

Banat Showbiz

Pero may pa-tribute... Mommy Divine and Daddy Delfin ni Sarah, absent pa rin sa kanyang 20th anniversary concert  

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pero may pa-tribute... Mommy Divine and Daddy Delfin ni Sarah, absent pa rin sa kanyang 20th anniversary concert       

Successful ang 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo na ginanap sa Araneta Coliseum last Friday night.

Time flies, it flies never to be regained, sabi nga sa isang quote.

Ang gaganda ng review sa nasabing concert na expected na dahil mahusay naman talagang artist si Sarah G.

Ang kaibahan lang sa mga dati niyang concert sa nasabi ring venue, hanggang sa screen lang nakita ang mga magulang niyang siya Daddy Delfin and Mommy Divine na kasa-kasama ni Sarah noong nag-uumpisa siya hanggang maging Sarah.

Pero binigyan niya ng tribute ang mga magulang kahit wala ang mga ito.

“He taught me to work hard. He has trained me. Naalaala ko po, every morning at nine o’clock, bumabangon po kami. Gustung-gusto ko pong bumabangon ng umaga para po mag-ensayo.

 “Pinapaakyat niya po ako sa lamesita namin at du’n po ako nagpe-perform, na feeling ko, ‘yun po ang stage ko,” pag-alala ni Sarah sa kanyang ama.

“Tatay Delfin, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Para sa ‘yo ‘Tay. I love you, Daddy,” nang kantahin ang Habang May Buhay.

“I love you, Ma, I love you, Daddy.”

Sa tuwing may concert noon si Sarah, nakaka-duet niya ang ama habang ang kanyang mommy Divine ay nangingiyak noon sa audience.

Pero ngayon ay ang mister na niyang si Matteo Guidicelli ang umakyat sa stage na sabi nga ni Regine Velasquez ay panay ang landian ng mag-asawa.

Fresh pa sa memories ng ibang taga-showbiz ang pinagdaanan ni Sarah noon pagkatapos niyang manalo sa Star For A Night kaya parang nabibilisan sila sa panahon.

Nagtampo ang kanyang mga magulang nang lihim siyang pakasal kay Matteo at simula noon ay hindi na nakitang kasama ni Sarah ang mga magulang.

Wala namang naghanap kay Teacher Georcelle ng G-Force dahil wala paki ang Popsters kung anong choreography dahil si Sarah naman talaga ang star ng concert at hindi ang mga dancer.

Pero totoo kaya may connect sa sobrang mahal ng talent fee ni Tea­cher Georcelle kaya may bagong dancers na si Sarah G?

Congrats, Sarah G.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with