Mayang (123)
KUMAKAIN ng almusal sina Mayang at Mam Araceli nang makarinig sila ng ingay sa gate.
Kasunod ay may bumagsak na parang bakal.
“Ano yun?’’ sabi ni Mam Araceli.
“Parang may tao sa gate Mam.’’
“Huwag kang maingay.’’
“Parang may dumating, Mam.’’
“Silipin natin sa bintana. Dahan-dahan lang tayo.’’
Tumayo ang dalawa at dahan-dahang naglakad patungo sa salas. Tinungo nila ang bintana na nakaharap sa gate.
Sumilip sila.
Pagsilip nila ay saka naman nagsalita ang taong nasa kabila ng gate.
“Mayangg! Mayanggg!’’
“Si Lolo Nado yun ah!” sabi ni Mayang.
“Kilala mo?’’
“Opo. Katiwala ko po sa lupain namin.’’
“Halika at salubungin natin. Mukhang may dalang mabigat!’’
Binuksan ni Mayang ang pinto at tinungo nila ni Mam Araceli ang gate.
Binuksan ni Mayang ang gate.
“Lolo Nado!’’
“Dinalhan kita ng kamote at ube, Mayang,’’ sabi ni Lolo Nado habang itinuturo ang malaking bag na may lamang kamote at ube. “Tumama sa gate nang ibaba ko kanina. Mabigat kasi.’’
“Ah kaya po pala nagkaroon ng ingay kanina.’’
“Oo. Naibaba ko nang wala sa ayos.’’
Hanggang mapansin ni Lolo Nado ang butas sa gate.
“Bakit may butas ito? Parang nilagari ah.’’
“Saka ko na po ikukuwento. Halika na po sa loob. Siyanga pala Lolo, siya po si Mama Araceli, dati kong teacher.’’
“Kumusta ka Lolo?’’
“Mabuti naman po.’’
Pumasok sila sa bahay.
(Itutuloy)
- Latest