^

Punto Mo

‘Bra’ para sa Adam’s Apple, pinauuso ngayon ng influencers sa China!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGPASIMULA ang isang social media influencer sa China ng isang kakaibang awareness campaign kung saan hinihikayat niya ang mga kalalakihan na magsuot ng “bra” sa kanilang adam’s apple!

Sa video ng Chinese social media influencer na si Zhu Miaolin, o mas kilala bilang Ah Miao, hinimok niya ang mga kalalakihan na magsuot ng takip sa kanilang Adam’s Apple bilang simbolo ng pagsuporta sa mga isyung ­pangkasarian.

Ayon kay Ah Miao, ang Adam’s Apple cover ay maihahalintulad sa bra na isinusuot ng kababaihan upang takpan ang mga sensitibong bahagi ng katawan.

Sa kanyang pananaw, ang kampanyang ito ay ­naglalayong hamunin ang tradisyunal na pananaw sa lipunan tungkol sa pagkakaiba ng kasarian at bigyang-pansin ang mga hamong kinakaharap ng kababaihan sa China.

Dahil sa kampanyang ito, mabilis na naging viral ang ideya at nagresulta sa pag-usbong ng mga produkto tulad ng Adam’s Apple bras na ibinebenta online. Ang mga takip na ito ay gawa sa iba’t ibang materyales tulad ng leather, lace, at wool.

Isa sa pinakasikat na ­disenyo ay hugis ng ilong ng baboy, na nakapagbenta ng mahigit 7,000 piraso sa isang e-commerce platform.

Bukod sa kampanyang ito, kilala si Ah Miao sa kanyang mga content sa social media na tumatalakay sa gender inequality.

Sa isang bansa kung saan patuloy na nakararanas ng diskriminasyon at hindi pantay na pagtrato sa kababaihan, layon ni Ah Miao na magbigay-inspirasyon at itulak ang mas pantay na lipunan.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with