Teenager sa U.S., nakapagtala ng guinness record sa puzzle-solving
ISANG teenager mula sa Kentucky, U.S.A. ang nagpakitang-gilas sa kanyang husay sa “15 puzzle” matapos magtala ng bagong Guinness World Record sa pamamagitan ng pag-solve ng sampung puzzle sa loob lamang ng 1 minute ang 16.13 seconds.
Si John Bradley, isang senior high school student sa Sayre School, ay nagsimula sa kanyang hilig sa 15 puzzle noong nasa middle school pa lamang siya.
Ang 15 puzzle o “Klotski” ay isang puzzle na may mga sliding tile na may bilang mula 1 hanggang 15, at layunin ng manlalaro na ayusin ang mga ito sa tamang pagkakasunud-sunod.
Nagsimula si Bradley sa digital na bersyon ng puzzle na naka-install sa mga computer sa kanilang paaralan.
Habang tumatagal, nahasa niya ang kanyang kakayahan at sumali pa sa mga kompetisyon bilang isang “speedslider”.
“Sa mga research ko at mga kompetisyon na sinalihan, napagtanto kong mukhang kaya kong makamit ang Guinness World Record na ito,” ani Bradley sa panayam ng LEX 18 news.
“Nag-practice ako nang halos apat na buwan. Araw-araw, ginagawa ko ito nang paulit-ulit.”
Ang dating record para sa mabilisang pag-solve ng sampung 15 puzzle ay 1 minute and 23 seconds, ngunit nahigitan ito ni Bradley sa kanyang oras na 1 minute and 16.13 seconds.
Ang tagumpay ni Bradley ay patunay na sa tiyaga at dedikasyon, anumang layunin ay kayang abutin.
- Latest