^

Punto Mo

Mayang (103)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAGTATAKA ako kung bakit biglang nawala ang dalawang lalaki kanina, Mars. Di ba nakita natin na paparating sila?’’ sabi ni Mayang na may pangamba sa boses.

“Oo nga, nakita natin ang dalawa na patungo rito sa direksiyon natin.’’
“Pero nang tingnan ko e bakit nawala? Talagang ­hindi ko maipaliwanag, Mars!’’

“Teka, baka naman kaya biglang nawala e dahil nakita na may nagpapatrulyang pulis. Hindi siguro akalain na may nagrorondang pulis dito.’’

Nag-isip si Mayang.

“Tama, Mars! Maaring nakita nila ang pulis kaya nagmamadaling umalis. Kung ganun, talagang mga magnanakaw ang dalawang iyon. Nagmamanman sila ng galawan dito sa palengke kaya walang tigil ang pagyaot nila. Pinag-aaralan nila ang mga kilos ng tao at siyempre pati ang target nilang nanakawan.’’

“Natatakot ako Mayang. Baka biglang magkabarilan dito at tamaan tayo.’’

“Oo nga, Mars. Ako rin kinakabahan.’’

“Kailangan talaga, alerto tayo, Mayang.’’

“At baka rin mang-hostage kapag nagipit ang mga magnanakaw. Hindi ko pala dapat patambayin dito si ­Jeffmari. Delikado!’’

“Oo nga Mayang, huwag mong patigilin dito si ­Jeffmari.’’

Maya-maya dumating ang pulis na humabol sa dalawang lalaki.

“Ano pong nangyari Sir? Naabutan mo ang dalawang lalaki?’’

“Hindi! Baka nakasakay agad ng motor o traysikel!’’

“Hindi po kaya magnanakaw ang mga yun?’’ tanong ni Mayang.

“Posible. Namumukhaan n’yo ba?”

“Opo,’’ sagot ni Mayang.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with