^

Punto Mo

Mayang (95)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINUKUMBINSI nina Jeff at Mayang si Lolo Nado na sa bahay nila sa Pinamalayan ito tumira dahil nag-iisa na ito sa lumang kubo sa Socorro. Naaawa sila sa matanda dahil baka magkasakit at walang mag-asikaso. Mahirap ang kalagayan ng matanda lalo pa’t walang kuryente sa liblib na barangay. Mahirap lalo na kapag umuulan at bumabaha.

Pero ang pakiusap ng dalawa ay tila hindi mapagbibigyan ng matanda. Nakikita sa mukha na mas gusto pa nito sa liblib kaysa sa bayan.

Tumitig nang matagal ang matanda kina Jeff at Mayang. Walang kakurap-kurap.

Hanggang sa ibaba ang paningin.

“Bakit po Lolo? May nasabi po ba kaming hindi maganda sa iyo?’’ tanong ni Jeff.

“Oo nga po Lolo? Meron po ba kaming nasabi na hindi mo ikinatuwa?’’

“Aba wala! Hindi ako nagagalit sa inyo. Natutuwa nga ako at masyado kayong nag-aalala sa akin—ramdam ko ang pagmamalasakit at pagmamahal ninyo sa akin.’’

“Kung ganun po, ano ang dahilan at bantulot ka na sa amin tumira?’’

“Kapag tumira ako sa inyo sa Pinamalayan, paano ko mada­dalaw ang libingan ng aking asawang si Encar. Araw-araw ko siyang dinadalaw at dinadalhan ng bulaklak ng sampaguita at ilang-ilang. Paborito niya ang mga bulaklak na yan.

“Mula nang mamatay si Encar limang taon na ang nakararaan ay hindi ako pumalya sa pagdalaw sa kanyang libingan. Tuwing umaga, bago ako magtrabaho sa bukid ay nagtutungo muna ako roon. Mahal na mahal ko ang aking asawa. Naipangako ko sa kanya na araw-araw akong magtutungo sa puntod niya.

“Kung sa bayan ng Pinamalayan ako titira, paano ako makakapunta sa libingan ni Encar? Kawawa naman siya!

“Sana ay naunawaan ninyo ako sa pasya na huwag sumama sa inyo para tumira sa bayan. Huwag sana kayong magagalit sa akin. Pagbigyan ninyo ako na dito na tumira para madalaw araw-araw si Encar.’’

Napaiyak si Mayang.

Saka niyakap ang matanda.

Nangilid ang luha ni Jeff.

Humanga siya sa pag-ibig ni Lolo Nado kay Lola Encar.

Bihira ang ganitong pag-ibig.

(Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with