‘Kalapati’
(PART 7)
LINGGUHAN kung umuwi sa bahay si Kuya Bong. Kung saan-saan kasi sila nakakakuha ng kontrata para sa itatayong bahay. Kung minsan ay sa Laguna, Batangas at Cavite.
Isang Sabado na umuwi siya ay may masayang ibinalita sa amin ni Tomas.
“Natanggap ako sa Saudi—electrician. Walang placement fee!’’ sabi ni Kuya Bong.
“Paano ka nag-aplay Kuya?” tanong ni Tomas.
“Yung isang kasamahan ko ay nag-aplay na pintor. Natanggap siya. May biglang nag-backout na electrician at ako ang iniaplay. Agad akong ininterbyu. Pasado. Kumpletuhin ko raw ang mga dokumento ko at pati passport. Baka next month lipad na kami.’’
“Paano kami ni Tomas, Kuya?’’ sabi ko.
“Kaya n’yo nang mag-isa rito. Mabuti nga at natanggap ako—makakatikim ako ng dollar. Marami na akong maipadadala sa inyong pera.’’
“Pero di ba okey naman ang kita mo rito?’’ tanong ko.
“Maliit. Hindi na ako kuntento.’’
Hindi na ako nagsalita.
“Basta pagnasa Saudi na ako, alagaan ang mga kalapati ko ha, Ruel?’’
“Oo Kuya.’’
“Padadalhan kita ng dollar!’’
(Itutuloy)
- Latest