^

Punto Mo

Dating professional motorcycle racer, naglakbay around the world na nakayapak!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kilalang motorcycle grand prix racer ang anim na taon nang naglalakbay sa iba’t ibang bansa habang nakayapak!

Si Axel Pons ay dating Moto2 racer at anak ng kilalang MotoGP champion na si Sito Pons. Tuluyan niyang iniwan ang career bilang racer upang tahakin ang kakaibang landas, ang maglakbay nang nakayapak sa iba’t ibang panig ng mundo.

Matapos magretiro noong 2017 at panandaliang subukan ang fashion industry sa pamamagitan ng pagiging modelo, mas pinili niya ang mas payapa at simpleng pamumuhay.

Sa loob ng anim na taon, naglakbay si Axel nang walang suot na sapatos. Simula sa kanyang bansang Spain, dala lamang niya ay backpack at paniniwalang ang bawat hakbang ay paglapit sa Diyos at sa kalikasan.

Kamakailan, naging viral si Axel matapos makita sa Pakistan habang naglalakad. Ibinahagi niya na ang kanyang layunin ay maunawaan ang kagandahan ng mundo habang tinatanggal ang bigat ng mga materyal na bagay.

Bagamat hindi siya nakatawid sa India dahil sa visa issues, pinaplano niyang dumaan sa China bilang alternatibong ruta.

RACE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with