^

Punto Mo

EDITORYAL - Hanapin, ­magsasagawa nang pamamaslang

Pang-masa
EDITORYAL - Hanapin, ­magsasagawa nang pamamaslang

HINIKAYAT ni President Ferdinand Marcos Jr. ang mga mambabatas na huwag sampahan ng impeachment complaint si Vice President Sara Duterte sapagkat hindi naman ito mahalaga. Hindi raw ito dapat pag-aksayahan ng panahon ng mga mambabatas. Ito ay sa kabila ng mga pagbabanta nito sa kanya, kay First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez noong nakaraang linggo.

Kung hindi sasampahan ng impeachment complaint si Sara, dapat ipagpatuloy ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap sa taong kinausap ng VP na papatay kina Marcos at iba pa. Kaila­ngang maiharap ang “hitman” para mapangalagaan ang seguridad ng Presidente. Ang PNP ang masisisi kapag may nangyari sa mga binantaang papatayin.

Sa press conference noong Sabado ng umaga, maliwanag na sinabi ni Sara: “Wag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, pagpinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke. Nagbilin na ako. Pagnamatay ako, ‘wag kang tumigil hanggang hindi mo sila napapatay.”

May kinausap na umanong tao si Sara para magsagawa sakaling patayin siya. Pagnamatay daw siya, huwag tumigil hanggang hindi napapatay. Hindi raw joke ang kanyang mga sinabi.

Sa pagsasalita ni Sara ay halatang hindi siya nagbibiro. Totoo ang kanyang mga sinasabi. At dapat seryosohin ito ng PNP at iba pa para hanapin ang taong kinausap ni Sara na magsasagawa nang pagpaslang. Hindi ito basta nasabi lamang ng Vice Presidente kundi mayroon nang nakahandang plano sakali’t siya ay mapatay.

Dapat din namang mabusisi ang Vice Presidential Security Group (VPSG) ni Sara at baka narito ang “mystery hitman” na magsasagawa ng utos ni Sara. Ang VP Security Group ay itinatag ilang araw bago bumaba sa puwesto si dating President ­Rodrigo Duterte. Kamakalawa, pinalitan na ang mga naka-assigned sa VPSG.

Sino kaya ang misteryosong tao na kinausap ni Sara para magsagawa ng pagpaslang. Dahil sa sinabi ni Sara, maraming reklamo ang isinampa laban sa kanya. Sinampahan siya ng disbarment case sa Supreme Court at ipinatawag na ng NBI kahapon pero hindi naman sumipot. Kumambyo naman si Sara at sinabing “maliciously taken out of logical context” daw siya. Wala naman daw dahilan para niya gawin iyon maliban lang kung siya ang unang papatayin.

Nakapagbitiw na ng banta ang VP at dapat ­paghusayan ng PNP ang paghahanap sa “taong mamamaslang”. Iharap ito sa hukuman para malaman ang buong katotohanan. Hindi ito biro at hindi dapat ipagwalambahala.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with