^

Punto Mo

Pinakamalaking building complex sa mundo, matatagpuan sa India!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA Gujarat, India, binuksan ang Surat Diamond Bourse, ang bagong pinakamalaking gusali sa mundo, na may lawak na 66,78,624 square feet. Mas malaki ito ng 55,000 square feet kumpara sa Pentagon na 80 years na may hawak ng record bilang pinakamalaking gusali.

Ang 15-palapag na building complex, ay binubuo ng siyam na hugis-parihabang gusali na konektado ng isang central corridor. Sa halagang 32 billion rupees ($388 milyon), idinisenyo ito upang pagsama-samahin ang mga artisan at negosyante ng diamonds. Mayroon ditong 4,700 opisina, 131 smart ­elevators, at sapat na espasyo para sa 65,000 tao.

Ayon sa Morphogenesis, ang architecture firm na lumikha ng disenyo, ang ­pangunahing layunin ng proyekto ay maging eco-friendly at sustainable, at hindi planong talunin ang Pentagon.

Kahawig ng isang airport terminal ang disenyo nito, kaya sa kabila ng lawak at laki nito, mabilis ang paggalaw dito na inaabot lamang ng anim na minuto ang pagpunta sa itaas ng alinmang gusali gamit ang smart elevator system.

Ang Surat Diamond Bourse ay hindi lamang gusali kundi simbolo ng tagumpay ng diamond industry ng India.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with