ANG BAHAY ay may anay na ang haligi, konting uga lang bibigay na agad.
Taong 2005, nang makilala niya si Hiroyuki Kotera. Nagtatrabaho siya sa isang Japanese Karaoke Bar. Naging masugid naman nila itong costumer hanggang nagkalapit sila.
Dinadalaw siya ng madalas nito sa kanyang ‘condominium’ na tinitirhan nilang magkakaibigan.
Taong 2007, nang mabuntis siya nito. Nagpasya na silang magpakasal at magsama na. Nagtatrabaho ito bilang isang manager ng isang aircon provider company. Nasundan agad ang panganay nila.
Unti-unting nagbago ang pagsasama nila dahil sa ugali nito. Madalas umanong mainit ang ulo nito at palaging nakabulyaw sa kanya. t
Napuno na umano siya sa lahat ng nangyayari at naghiwalay sila ng taong 2011. Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap. Nakikita niya pa din ang anak niya at nakakadalaw siya sa mga ito.
Ilang linggo pa lamang ang lumilipas nag-uwi na umano ito ng panibagong babae.
Napagdesisyunan niyang itakas ang kanyang dalawang anak upang hindi sila maapektuhan na makita ang bagong babae ng kanyang asawa.
Nangupahan sila sa may Parañaque. Sa isang condominium sila tumuloy, ang asawa niya ang nagbayad ng buwanang upa at nagbibigay ng sustento na panggastos nilang mag-iina.
Malaya naman umanong nakakadalaw si Hiroyuki sa mga anak.
Isang araw, hiniling umano nito na hiramin ang mga bata, ipapasyal daw sa Star City.
“Pumayag ako kasi, pasyal lang naman. Maggagabi na hindi ko na ma-contact ’yung yaya ng mga anak ko,†pahayag ni Solidad.
Mula nun ay hindi na ibinalik sa kanya ang mga anak.
Naunahan siyang kasuhan ng kanyang asawa ng kasong Adultery. Ito ay dahil sa pagkakaroon umano niya ng relasyon sa ibang lalaki habang may bisa pa ang kanilang kasal. Nagkaroon din siya ng anak na hindi kay Hiroyuki umano.
Kinasuhan naman niya ang kanyang asawa ng Violation of Republic Act 9262 at failure to return a minor.
Pinagharap sila ng korte sa isang mediator, nagkausap sila at nagkaroon sila ng kasunduan.
Nakasaad sa kasunduan ang asawa niya ang may kustodiya sa kanilang mga anak.
Meron siyang ‘visitation rights’ na dalawang ‘weekend’ kada buwan. Mag-oovernight pa sa kanya ang mga bata. Naging maayos naman umano ito ng mga unang buwan hanggang sa hindi na niya nakita ang mga bata.
“Gusto ko na makita ang mga anak ko. Lagi niyang sinasabi na makukulong ako kaya dapat sundin ko na lang lahat ng gusto niya,†sabi nito.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Solidad.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang mga bata habang lumalaki ay kailangan ng pag-aaruga ng isang ama at ina. Kadalasan sa mga anak na galing sa isang ‘broken family’ ay nagkakaroon ng problema.
Ang ikinasong Adultery laban sa kanya ay iba sa napagkasunduan sa mediation tungkol sa kanyang pagbibisita sa mga anak.
Pinayuhan namin siyang buÂmalik sa Court Mediator kung saan sila nag-usap ng kanyang asawa. Ipakita niya ang kasunduan at sabihing hindi yun natutupad dahil ayaw nang ipakita pa sa kanya ng dating asawa ang mga bata.
Ang gagawin ng mediator ay tatawagin ang pansin nung Hapon at kapag ayaw sumipot, itutuloy sa korte ang kaso niyang ‘Custody’.
(KINALAP NI DAHLIA SACAPAÑO)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.