Lampong (451)
HABANG tuwang-tuÂwang nakatingin si Dick sa naglalampungang itik ay bigla siyang nakadama na parang may pagbabago sa kanyang katawan. Dahil kaya iyon sa nilantakan niyang crispy itik nitong mga nakaraang araw? Natatandaan niya, napakaraming itik siyang nakain. Iyon ay mula nang ipagtapat ni Pareng Rey ang magandang resulta ng itik sa kanyang katawan. Sumigla raw si Rey. Ang dating lungayngay na si batutoy ay biglang nagkaroon ng buhay.
At ngayon nga, mukhang ganoon na rin ang pakiramdam niya. Masigla siya. Parang gusto niyang patunayan kay Jinky na umepekto na ang bisa ng itik sa kanyang pagkalalaki.
May naisip si Dick. Bakit hindi na niya subukan nga-yon.
Nagpaalam siya kay MuÂlong na uuwi muna ng bahay.
“May nakalimutan akong sabihin kay Jinky, Mulong. Bahala ka na muna rito ha.’’
“Babalik ka pa rito, Ninong Dick?’’
“Baka hindi na.’’
“Paano kung may duma-ting na mamamakyaw?’’
“Bahala ka na. Kabisado mo na naman yan di ba?’’
“Sige.’’
Umalis na si Dick.
Nang dumating siya sa bahay ay abala si Jinky sa laptop. Nilapitan niya at binulu-ngan. Napangiti si Jinky.
‘‘Talaga, Dick?’’
‘‘Oo. Kaya, mag-shower ka na.’’
Napahagalpak si Jinky.
Pero tumalima rin ito pagÂÂkatapos. Sabay silang nag-shower.
Pagkatapos ay isinagawa na nila ang ritwal. Walang sinayang na panahon. Pakiramdam ni Dick ay malakas na malakas siya at matikas na matikas. Kakaiba ang nararamdaman niya.
At napatunayan nga niya ang bisa ng itik. Tala-gang napaka-epektibo. MaÂlakas na malakas. Ibang kla se.
Nang matapos ang ritwal, nakangiti si Jinky. Kakaibang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. Pagkaraan nang matagal-tagal ding panahon ay nanumbalik ang sigla.
‘‘I love you, Dick.’’
‘‘I love you too.’’
At may ibinulong kay Jinky.
Napahagalpak si Jinky.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending