MAYROON akong nariÂrinig sa ilan nating kababayan na ayaw na nilang bumoto dahil hindi naman daw presidential elections at iba pang matataas na puwesto tulad ng senador, kongresista, gobernador at mayor.
Pero dapat sigurong malaman na lahat ng eleksiyon ay importante at kung tutuusin ay mayroong direktang epekto sa isang pangkaraniwang mamamayan ang barangay.
Kapag mayroong probleÂma sa komunidad mula sa napakaliit na kaso ng alitan ng magkakapitbahay at peace and order ay mahalaga ang papel dito ng barangay.
Hindi mangyayari ang mga malalaking kaso kung sa lebel ng barangay ay napipigilan na .
Sa isyu na lang ng illegal drugs kung palpak ang barangay ay tiyak na lalawak ang bisyong ito at marami ang maapektuhan lalo na ang mga pangkaraniwang mamamayan. Maaaring madamay dahil sa panggugulo ng mga drug addict o paggawa ng iba’t ibang krimen.
Inihanay ko ang ilan sa mga usaping ito na madalas ay kailangang sa lebel pa lang ng barangay ay agad nang naaksiyunan.
Sa isang komunidad kung walang silbi at walang ginagawang matinong pamamalakad ang mga opisyal ng barangay ay asahan na napakaraming krimen at bisyo sa lugar.
Kaya napaka-halaga ng idadaos na barangay election ngayon dahil pipiliin natin ang mga pinaka-mahusay at mayroong puso na tapat na naglilingkod sa bayan.
Sa mga nakaraang opisyal na palpak ang paglilingkod ay mayroong pagkakataon ang taumbayan na palitan ito at magluklok ng bagong mga opisyal.
Huwag pong maliitin ng ilang botante ang barangay elections dahil kapag mali ang naluklok na opisyal ay simula na ito ng kalbaro ng taumbayan at asahan na lalong dadami ang problema ng komunidad.
Kaya naman ngayong araw na ito ay lumabas ang lahat ng mga botante at iboto kung sino ang nararapat na mamuno at ma-ngasiwa sa barangay upang mas magiging mabilis ang pag-unlad ng isang komunidad.
Maging maingat din sa pagboto lalo na ang mga kandidato na nagsisilbing tuta o bata ng ilang mga pulitiko. Asahan na sila ay gagamitin lamang sa pansariling interes ng mga pulitiko para lang matiyak ang pananatili sa kanilang puwesto sa kasalukuyan.
Ang payo ko sa mga botante ay bumoto nang maaga at pagkatapos ay agad ng umuwi sa kanilang mga bahay. Huwag sa-yangin ang pagkakaton na makapagpahinga at makasama nang matagal ang kanilang pamilya.