^

Probinsiya

Bodega ng coop ni-raid: DSWD food packs ilegal na nakaimbak, nadiskubre

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bodega ng coop ni-raid: DSWD food packs ilegal na nakaimbak, nadiskubre

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Aabot sa 1,679 kahon ng food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang natagpuang ilegal na nakaimbak sa warehouse ng GIBO Cooperative, sa Brgy. Concepcion Grande, dito sa lungsod,  matapos salakayin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Camarines Sur Field Unit kasama ang mga kawani ng DSWD noong Martes ng hapon.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang may-ari at mga tauhan ng naturang bodega habang patuloy pang iniimbestigahan kung paano napunta ang kinahong mga DSWD food packs na sinasabing nakalaan umano sa isang kongresista ng naturang lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon kasama ang mga taga-DSWD Camarines Sur sa pa­ngunguna ni social deve­lopment officer Claudio Villa­real Jr. ay sinalakay ng mga operatiba ng CIDG ang Gibo Coop dahil sa sumbong ng iligal na pag-iimbak ng mga relief goods ng naturang ahensya. Nang makapasok sa bodega ay tumambad sa kanila ang nasa 1,679 kahon ng mga foods packs may markang DSWD relief supplies na may lamang bigas, mga de-lata, kape at iba pa. Malinaw umanong paglabag ito sa pagbabawal na mag-imbak sa mga pribadong warehouse.

Ayon pa umano sa Republic Act 10121 o ang Philippine Di­saster Risk Reduction Act of 2010, dapat sa loob ng pitong araw mula nang mailabas sa DSWD warehouse ay kailangang maipamahagi agad ang mga relief goods at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatago nito sa pribadong bodega.

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with