^

Police Metro

Agrikultura, enerhiya at sariling yaman isulong laban sa ‘inflation’

Joy Cantos - Pang-masa
Agrikultura, enerhiya at sariling yaman isulong laban sa ‘inflation’

MANILA, Philippines — Para malabanan ng Pilipinas ang tumitinding­ banta ng ‘pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay dapat matagumpay na maisulong­ ng susunod na administrasiyon ang agrikultura at sariling yaman ng bansa, tulad ng enerhiya at mga mineral.

Ito ang panukala ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee at isang kilalang eko­nomista na nagbaba­lang patuloy na tataas ang mga presyo ng mga bilihin sa kasalukuyang dekada na nangyayari sa buong mundo.

Ayon kay Salceda, pi­nag-aaralan na ng mga mambabatas na bahagi ng ika-19 na Kongreso, kung paano nila tutugunan ang hamon sa patuloy na pagtaas ng ‘inflation’ sa sandaling magsimula na ang bagong administrasyon ni incoming President Ferdinand Marcos, Jr.

Anya, bagama’t hindi gaanong nabugbog ng ‘inflation’ ang Pilipinas nitong nakaraan gaya ng ibang bansa, ang kasiraang nagawa nito ay magpapatuloy­ at inaasahang aabot sa ka­tamtamang 5% kada buwan ngayong dekada, na higit na  mataas sa katamtamang 3% sa nakaraang 10 taon.

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with