Kiko, matagal nang walang hawak na kaso
Lahat ay nagtatanong, bakit naman si Neri Naig ang nakulong samantalang iyong mga diumano ay gumawa ng scam ay nakakalaya pa, at alam nila kung sino dahil pinangalanan pa at itinuro ni Chito Miranda eh. May mga nauna na palang kasong ganyan din, at sinasabi nila na na-dismiss nang lahat iyon dahil napatunayan diumano ni Neri na hindi siya sangkot sa scam.
Pero ito namang si Kiko Pangilinan na matagal nang walang hinahawakang malaking kaso at siguro naisip niyang kailangan niya ng popular support para sa kanyang ambisyong makabalik sa senado at sa hinahabol niyang maging bise presidente sa 2028 bilang running mate diumano ni Bam Aquino. Nag-alok pa ng kanyang tulong kay Neri Naig at sinabing ang mga endorser ay hindi dapat nakakasuhan.
May mga nangyayari namang ganyan talaga. Natatandaan namin noong araw iyong Agrix Films, na ang negosyo ay nagsimula sa agricultrure, tapos sa mga supermarket at nag-produce nga ng pelikula pa. May mga artistang nanghikayat ng kanilang mga kaibigan na mag-invest sa Agrix. Hindi naman nila alam na pyramid scheme iyon, mabuti hindi sila nadamay sa kaso.
Hindi ba ganyan din ang kaso ni Romano Vasquez. Noong una ay nag-aahente lang siya ng kung anu-anong vitamins na gawa ng isang multi-level marketing company. Malakas ang kita, nahikayat siyang maghanap din ng investors para sa kumpanya. Eh sumabog, siya ang hinahabol ng investors.
Ganyan din ang nangyari kay Ricardo Cepeda, kinuhang endorser, hinuli dahil sa investment scam, mabuti mahina ang ebidensiyang kasama siya sa scam kaya nakapagpiyansa siya.
Nang muntik-muntikan na si Luis Manzano, isang kaibigan niya ang humikayat sa kanyang pumasok sa negosyo, sumama naman siya, hanggang sa nakumbinsi siyang ang investment ay umabot ng 60 milyong piso. Para siguro mas makumbinbsi pa siya dahil alam na may puhunan pa siya, ginawa siyang chairman of the board. Mabuti naman at matunog din si Luis, nakapag-resign siya agad bilang chairman, at hiniling pa sa NBI na imbestigahan ang kumpanya.
Si Ken Chan halos ganyan din.
Sa totoo lang, mahirap kang pumasok sa negosyo kung hindi ka hands-on. Iyong maniniwala ka lang sa sinasabi sa iyo. Malamang sa hindi mabiktima ka na at masabit ka pa sa kaso pagkatapos.
Wax figure, ordinaryo na lang?
Noong araw, basta may wax figure kang nailagay kahit na sa isang exhibit lamang ni Madame Tussauds, sikat ka na talaga. Hindi ka naman ilalagay roon kung walang interesadong magpa-picture na kasama ng figure mo.
Si Lea Salonga may figure na rin sa Hong Kong. Pero nagulat kami dahil pati pala si Anne Curtis may figure na doon sa exhibit ni Madame Tussauds. Oo maganda naman si Anne talaga pero ano ba ang accomplishment niya para makilala siya sa buong daigdig?
Lalo na nga ngayong wala naman siyang ginagawa kundi makipagbardagulan lamang kay Vice Ganda sa It’s Showtime.
Baka maraming magtatanong kung sino siya dahil sabihin mo mang kuhang-kuha nga sa wax figure ang kanyang mukha, kilala ba naman siya ng ibang lahi na namamasyal sa HK?
Kaya magpapa-picture na lang kami sa loob ng Snow World, instagrammable pa talaga.
Joke ni Niño na areglo kay Sandro, pinatulan
Nagrereklamo si Niño Muhlach, kasi may kumagat sa kanyang biro na sinabihan niya ang kanyang anak na si Sandro na magpatawad na kung aabot sa 100 milyong piso ang areglo. Kasi nga may mga nag-react naman na gusto lang pala ng malaking areglo. Pero ang punto roon sino ba ang magbabayad ng isandaang milyong areglo eh ang sinasabi lang naman sa demanda ay dinilaan ang puwet ni Sandro, wala namang puwersahang ipinasok kaya walang nakitang lacerations ang medico legal.
Pero hindi mo naman masasabing dahil dinilaan mo lang ang puwet hindi na panghahalay iyon. Kahit na ano pa ang sabihin mo, kung sasabihin niyang labag sa kalooban niya ang ginawang ganoon, panghahalay iyon.
Joke lang siyempre ‘yun.
- Latest