Beauty, hinding-hindi ipaparanas sa anak ang ginawa ng ina
Naging open si Beauty Gonzalez sa hindi magandang relasyon nito sa kanyang inang si Carina Luche kung kanino niya naranasan ang matinding verbal at physical abuse noong bata siya.
Matagal na raw napatawad ni Beauty ang kanyang ina, pero dahil hindi pa raw totally healed ang relasyon nilang mag-ina kaya bihirang bumisita ang aktres sa kanilang bahay sa Dumaguete.
Kaya parating pinapadama ni Beauty sa kanyang anak na si Olivia ang pagmamahal dahil ayaw niyang maranasan nito ang pinagdaanan niyang lungkot noong bata siya.
“I have to stop it with Olivia and that’s my challenge everyday kasi it’s not like a one-night thing na nawawala e. Buong buhay mo ‘yan nadadala e, so it takes time talaga,” sey ni Beauty na parating sinasama ang anak sa mga biyahe nila ng kanyang mister na si Norman Crisologo.
Kung may mensahe siya sa kanyang sarili, ito ay: “You’re doing great, everything’s fine. Don’t worry too much, continue making new memories and everything will pass.”
Mapapanood next year si Beauty sa GMA teleserye na Prinsesa Ng City Jail kung saan bida si Sofia Pablo.
Host ng Masked Singer, may narcissistic personality disorder
Na-diagnose with narcissistic personality disorder ang The Masked Singer host na si Nick Cannon.
Ayon sa www.mayoclinic.org, ang naturang sakit ay “a mental health condition in which people have an unreasonably high sense of their own importance.”
Bukod sa bagong personality disorder, na-diagnose rin si Cannon with ADHD and dyslexia. Tanggap naman daw niya ang mga sakit na ito.
“I just embrace mental health and therapy in such a strong way. To be able to say I’m an example for others, but also be healing during the self-process works too.”
May isa siyang dosenang anak, kasama na rito ang kambal nila ng ex-wife na si Mariah Carey. Nagawa raw niyang mapuntahan ang mga anak niya noong nakaraang Thanksgiving Day.
- Latest