Angelica may matinding problema!

Totoo kayang may pinagdadaanan ngayon si Angelica Panganiban sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz kaya affected ang kanyang pagtatrabaho? 

Balita kasing may idini-date na nonshowbiz girl si John Lloyd. Parang ang bilis naman, kung totoo na may nakita na agad na iba si JLC. 

Naka-ilang months na ba ang relasyon nila?

Bela ‘di nakaangal nang kaladkarin nina Sid at Paolo

Dream ni Bela Padilla na makagawa ng isang straight action show o movie after niyang maranasan ang mga maaaksiyong eksena sa Love & Lies nila ni Richard Gutierrez. Nagulat na nga lamang siya nang bigyan ni Direk Mark Reyes ng instruction sina Sid Lucero at Paolo Contis na kakaladkarin siya at pag-aagawan ng dalawa. Para kay Bela, ito na ang pinakamahirap niyang nagawa na feeling niya, nang hinihila siya ng dalawa, halos mahati ang katawan niya. 

After Love & Lies, sa June 7, excited na si Bela na simulan ang isang movie intended for the Metro Manila Film Festival 2013 na gagawin ng uncle niyang si Robin Padilla. Ayaw pa niyang ibigay ang detalye but she hopes na sa kabila ng role niya bilang isang journalist ay magkakaroon din siya ng action scenes.

Jeric aminadong wala pang nararating kaya ayaw pang magka-GF

Mukhang nalito ang pinagla-love team na sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales, mga Protégé 2 winners sa entertainment press na kausap nila sa huling presscon ng Love & Lies. Paano, kinukulit sila kung nanliligaw ba si Jeric kay Thea at bakit parang ayaw na ayaw naman ng babae? Tanong nga tuloy ni Thea, sino raw ba naman ang hindi magkakagusto kay Jeric? 

Si Jeric naman, tama na muna ang pagiging mag­ka-love team nila ni Thea dahil sila ring dalawa ang pinag­tambal sa kanilang Sunday youth-oriented show na Teen Gen. Pero mas naka-focus muna siya sa work dahil gusto niyang makatulong sa family nila after naaksidente ang older brother niya. Siguro raw, kung may narating na siya bilang isang aktor, saka niya pag-iisipan ang kanyang love life. At si Thea, gusto naman niyang ituloy ang studies niya. Gusto sana niyang kumuha ng interior design sa St. Benilde College pero parang hindi iyon ang gusto ng parents niya para sa kanya.

Show comments