Matikas na laro ni Sotto naunsiyami

Kai Sotto
Facebook / Japan B.League

MANILA, Philippines — Mapupuptol ang matikas na ratsada ni Gilas Pi­lipinas standout Kai Sotto matapos magtamo ng inju­ry sa laban ng Koshigaya Alphas sa Japan B.League 2025 season.

Hindi pa nag-iinit ang 7-foot-3 Pinoy cager sa first quarter nang bumanat ito ng atake subalit masama ang naging bagsak nito da­hilan para magtamo ng injury sa tuhod.

Kita sa mukha ni Sotto ang tindi ng sakit na naram­daman nito.

Tinulungan itong ma­kabalik sa bench at hindi na muling nasilayan sa laro kung saan lumasap ang Alphas ng dikit na 77-79 ka­biguan.

Nahulog ang Koshi­gaya sa 8-20 rekord para magkasya sa ika-20 posis­yonsa standings.

Maganda ang inilalaro ni Sotto sa season na ito kung saan hawak nito ang averages na 13.8 points, 9.6 rebounds, 2.0 assists at 1.1 blocks kada laro.

Wala pang linaw kung gaano kalala ang tinamong injury ni Sotto.

Nakatakda pa namang sumalang ang Gilas Pilipi­nas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

Show comments