Lakers pinigilan ang 3-game losing skid

Ang two-handed dunk ni Anthony Davis ng La­kers matapos makawala sa depensa ng Trail Blazers.

LOS ANGELES — Hu­ma­kot si Anthony Davis ng 30 points at 11 rebounds para banderahan ang La­kers sa 107-98 panalo sa Portland Trail Blazers kahit wala si LeBron James.

Naglista si D’Angelo Russell ng 28 points at 14 assists para sa pagpigil ng Los Angeles (13-11) sa ka­nilang three-game lo­sing skid.

Ito ang unang pagkaka­taon na hindi naglaro si James ngayong season da­hil sa isang left foot con­tu­sion.

Kumamada si James ng mga averages na 23.0 points with 9.1 assists at 8.0 rebounds.

Umiskor si Rui Ha­chi­mura ng 23 points para sa home team.

Pinamunuan ni Deandre Ayton ang Portland (8-16) sa kanyang 14 points at 19 rebounds, habang may 19 markers si Shaedon Sharpe.

Sa San Francisco, umis­kor si Stephen Curry ng 30 points para igiya ang Golden State Warriors (14-9) sa 114-106 pagdaig sa Min­nesota Timberwolves (12-11).

Sa California, nagpasaiklab si Fil-Am Jalen Green ng 31 points at may 22 markers si Amen Thompson sa 117-106 pag­papatumba ng Houston Rockets (16-8) sa Clippers (14-11).

Sa Washington, nag­pos­te si Jaren Jackson Jr. ng 21 points at kumolek­ta si Scotty Pippen Jr. ng 14 points at 12 assists sa 140-112 pagtambak ng  Mem­phis Grizzlies (17-8) sa Wizards (3-19).

Sa San Antonio, kuma­big si Victor Wembanyama ng 25 points para sa 121-116 paglusot ng Spurs (12-12) sa New Orleans Pelicans (5-20).

Show comments