Mavs sumandal kay Doncic kontra sa Magic

Bumanat ang Mave­ricks, ang defending Wes­tern Conference champions, ng 30-9 atake sa unang 9:30 minuto ng se­cond quarter para kunin ang 65-40 halftime lead.

DALLAS — Nagsalan­san si Luka Doncic ng 32 points, 9 rebounds at 7 assists, habang nagdagdag si Daniel Gafford ng season-high 18 points sa 108-85 pag­­bugbog ng Mavericks sa Orlando Magic.

Umiskor si Kyrie Irving ng 17 points at humakot si center Dereck Lively II ng 11 points at 11 rebounds pa­ra sa Dallas (4-2).

Naglaro ang Orlando (3-4) na wala si injured Paolo Banchero, ang No. 1 overall pick noong 2022 draft at 2023 Rookie of the Year, na may torn right oblique.

Bumanat ang Mave­ricks, ang defending Wes­tern Conference champions, ng 30-9 atake sa unang 9:30 minuto ng se­cond quarter para kunin ang 65-40 halftime lead.

Mula rito ay hindi na na­kabangon pa ang Magic na nabaon pa sa 33-point de­ficit.

Pinamunuan ni Franz Wag­ner ang Orlando sa kanyang 13 points.

Sa New Orleans, tumipa si Jalen Johnson ng 29 points at tinapos ng Atlanta Hawks (3-4) ang isang four-game losing skid sa pamamagitan ng 126-111 paggupo sa Pelicans (3-4)

Nag-ambag si Trae Young ng 23 markers at may 16 points si Dyson Da­niels para sa Hawks.

Sa New York, kumamada si Cade Cunningham ng 19 points para gabayan ang Detroit Pistons (2-5) sa 106-92 pagdaig sa Brooklyn Nets (3-4).

Show comments