^

Banat Palaro

PBA nalungkot sa kontrobersya ni Amores

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA nalungkot sa kontrobersya ni Amores
John Amores

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagkakadawit sa isa na namang kontro­bersya ni NorthPort rookie guard John Amores.

Sumuko kahapon ang dating Jose Rizal Heavy Bomber kasama ang kan­yang kapatid sa mga awtoridad matapos ang isang shooting incident sa Lumban, Laguna noong Miyerkules.

“This is a matter subject of investigation by the police, and we cannot comment in it. But we are saddened by such unfortunate incident,” ani PBA Commissioner Willie Marcial.

Nahaharap ang 24-an­yos na PBA player sa anim hanggang 12 taong pagkakakulong matapos barilin si Lee Cacalda sa National Road, Barangay Maytalang Uno dahil sa pustang P4,000 sa kanilang laro.

Nauna nang umastang ‘John Wick’ si Amores sa NCAA Season 98 nang sugurin at pagsasapakin sa bench ang ilang players ng St. Benilde Blazers kalaban ang Heavy Bombers.

Pinatawan siya ng NCAA ng indefinite ban at hindi nakalarong muli sa liga.

Kinuha ng Batang Pier si Amores bilang No. 51 overall pick sa 2023 draft at pinalagda sa isang one-year contract.

JOHN AMORES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with