MANILA, Philippines — Bawas ang puwersa ng Gilas Pilipinas lalo na sa point guard position dahil pinutakte sila ng injuries sa nagdaang European training camp tour nila.
Bumaba sa 10 players ang natira sa national team kasama sina naturalized players Justin Brownlee at Ange Kouame kaya naman nagpahayag si NLEX point guard, Kevin Alas ng kahandaan sakaling tapikin siya para sumama sa training camp.
Ayon kay Alas, naghihintay lamang siya sa gilid gilid, isang tawag lang o text nandyan siya para tulungan ang Gilas Pilipinas para magbigay ng karangalan sa bansa,
Nakaupo lang sa bench dahil sa injuries sina point guards Scottie Thompson at Dwight Ramos at big man AJ Edu.
Nakasama si Alas sa Gilas training pool dati sa ilalim ni coach Chot Reyes, alam nito ang ginagawang preparasyon ng team para sa FIBA World Cup.
Sinabi pa ng dating Letran star player na kahit hindi siya makuha sa final lineup para sa World Cup ay handa ito para magpractice sa team.