^

Banat Opinyon

EDITORYAL - Itigil na ang POGO

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itigil na ang POGO

NALIGALIG ang Pilipinas mula nang magkaroon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa. Kabaliktaran sa sinabi ng nakaraang administrasyon na malaki ang maitutulong sa pagsulong ng ekonomiya. Nagsimula ang POGO sa bansa noong 2017 at makaraan ang pitong taon, wala itong nagawa para sa ekonomiya ng bansa. At ang pinakamasaklap­, nagdulot nang maraming problema kung saan kali­wa’t kanan ang patayan at kidnapping sa mga kapwa Chinese.

Maraming illegal POGOs ang naglutangan na hindi naman masawata ng PAGCOR. Nasa 300 ang illegal POGOs ayon sa Presidential Anti-Crime Commission (PAOCC). Kabilang sa mga illegal POGOs ay ang sina­lakay sa Bamban, Tarlac na nakatayo sa compound na pag-aari umano ni suspended Bamban Mayor Alice Guo. Iniimbestigahan ng Senado si Guo dahil sa kahina-hinalang pagkatao. Nadiskubre ng NBI na magkapareho ang fingerprints ni Guo at ng Chinese national na si Guo Hua Ping.

Sinalakay din ang POGO hubs sa Porac, Pampanga na may 46 na gusali. Hindi lamang online gaming ang ino-offer ng POGO hubs sa Porac kundi pati na rin panandaliang aliw at iba pang illegal na aktibidad na gaya ng investment scam, cryptocurrency scam at love scam. Sa POGO hubs din sa Porac, nadiskubre ang mga uniporme ng China Army na nagpapalakas sa paniwalang may mga nakapasok na espiya sa bansa.

Nabulabog ang bansa dahil sa POGO. Pawang pag-iimbestiga sa POGOs ang ginagawa ng Senado. Ang Philippine National Police at PAOCC ay nakatutok sa paghabol sa mga Chinese na nag-o-operate ng illegal­ POGOs. Maraming oras na ang nauubos ng mga awto­ridad dahil sa POGOs. Walang nakukuha ang pamahalaan sa POGOs kundi pawang problema at pagkasiphayo.

Parami nang parami ang nananawagan kay President Ferdinand Marcos Jr. na buwagin na ang POGOs. Marami nang senador ang naniniwalang dapat nang itigil ang POGOs sapagkat nalalagay sa peligro ang bansa. Ginagamit ito ng mga fugitives na Chinese at ang resulta, maraming krimen ang nagaganap sa bansa.

Maski si Finance Secretary Ralph Recto ay pabor para sa total ban ng POGO. Sabi ni Recto, nagpadala na siya ng liham ng kanyang rekomendasyon kay Pre­sident Marcos na nagpapatigil sa POGO.

Maraming mayor na rin ang nagbawal sa pagpasok ng POGO sa kanilang nasasakupan. Ang pag-sang-ayon na lang ni Marcos ang kailangan para tuluyang mawala sa bansa ang POGO. Wala nang dahilan pa para hindi ito itigil.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with