^

Bansa

Pangulong Bongbong Marcos binura P2 bilyong utang ng magsasaka sa Isabela

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi bababa sa 25,000 certificates of condonation and release of mortgage (CoCRoM), ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nagbubura ng P2 bilyong utang sa agraryo ng 21,000 magsasaka sa Isabela.

Sa pahayag ng Pangulo sa Josefina Albamp Cultural Sports Complex sa Cabagan, Isabela sakop ng certificates ang halos 22,000 ektaryang agricultural lands sa lalawigan na may kabuuang P1 bilyon pagkakautang na mabubura.

Dahil dito ayon kay Marcos, kaya hindi na magbabayad ng amortization ng kanilang lupa ang mga magsasaka.

“You will only worry on how to cultivate your lands and make them productive,” ayon pa sa Pangulo.

Sinabi naman ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na target ng gobyerno na maipamahagi ang tinatayang 300,000 CoCRoMS bago matapos ang taon.

Samantala, namahagi rin ang Pangulo ng mahigit sa 450 Certificate of Land Ownership Award o (CLOA) sa mahigit 340 benepisyaryong magsasaka sa lalawigan. Sakop nito ang tinatayang 500 ektarya ng lupa sa Isabela.

Inanunsiyo din ni Marcos ang pamamahagi ng P25 milyon indemnity checks sa 1,400 benepisyaryo sa Mindoro na naapektuhan ng katatapos na bagyo.

MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with